Sana kapag may sakit ako, ikaw ang nag-aalaga sa akin. Tipong ikaw yung magluluto ng paborito kong soup na nagpapainit ng sikmura ko at maghahatid nun sa aking kwarto. Gigisingin ako sa pamamagitan ng malambing mong halik at iuupo ako habang inaalalayan dahil mahina ang katawan ko. Sasandok ng ipinagluto mo gamit ang maliit na kutsara at hihipan yun para sa akin dahil mainit pa at baka mapapaso lang ang aking dila. At dahil matagal bago mapawi ang init, kakamustahin mo muna ako kung anong nararamdaman ko o okay lang ako. Tipong makikita ko sa mga mata mo na nag-aalala ka talaga sa akin at sa kalagayan ko. Sasabihin kong okay na ako dahil ikaw ay nandirito. Mapapangiti ka na para bang kinikilig at magtatawanan tayo kahit na hindi ko pa maibaba ang paa ko sa sahig. Susubuan mo ako ng ipinagluto mo, sasamahan kumain at ipaparamdam na mula sa pagmamahal mo ang ipinapakain sa akin. Habang napupunan ng init ang aking sikmura, napupunan din ng kasiyahan ang aking mga mata.
Pagkatapos kumain ay ikukuha mo ako ng gamot na kailangan ng katawan ko. Alam mong ayaw ko ng gamot at hindi ako nainom noon, kaya pilit mo paring ipapaintindi sa akin na kailangan ko yung inumin para lumakas ulit ako. Wala akong magagawa dahil alam kong kapag hindi ako sumunod sayo, sandamakmak na sermon at bukol ang aabutin ko kahit pa may sakit ako. Alam kong imposible mo akong saktan lalo pa’t may sakit ako pero alam kong iniisip mo lamang ang mas makakabuti para sa akin at sa ating dalawa. Kaya susunod ako, pipilitin kong lunukin ang tableta o kapsulang malimit bumabara sa aking lalamunan. Hahawakan ko ang kamay mo ng mahigpit na parang tinuturukan ako ng ineksyon habang nilulunok ko ang gamot sa pamamagitan ng pagtulak ng inuming tubig. Panigurado, maluha luha ako pagkatapos inumin ang gamot pero magiging sulit ang hirap dahil makikita kitang nakangiti at masaya dahil sumunod ako sayo.
Pagkatapos ay ihihiga mo ulit ako at ikukuha ng basang tuwalya na ilalagay sa aking noo. Pupunasan ako para maalis ang init sa loob ng katawan ko habang inaawit mo ang kanta nating paborito. Tapos tatanungin kung ano pa bang gusto ko o hiling habang nakaupo sa tabi ng kama. Ngingiti lamang ako at sasabihin ko na, dito ka lang sa aking tabi. Samahan mo ako buong gabi. Ngingiti ka at tatabi sa aking pagkakahiga. Kakanta na walang nota na para bang hinehele ang isang bata. Habang nakapikit, mararamdaman ko ang presensya mo at init ng pagmamahal mo. Makakatulog akong nakayakap sayo. Makakatulog akong kampante na paggising ko bukas, magaling na ako at magigising sa tabi mo. Hindi alintana kung pakiramdam ko ay masama o baka nakakahawa, ang importante lamang sayo ay alagaan ako, gumaling at gumising ng umaga ng ayos na at masaya.

The best relationship is when you two can act like lovers and best friends at the same time.

Yung tipong sasakyan yung mga trip mo tapos kakausapin ka at papahalagahan ka ng hindi lang basta karelasyon niya. Hindi lang basta girlpren, kung di isang matalik na kaibigan na pinagkakatiwalaan at buong pinagpapahalagahan ng walang katumbas na saya at pagmamahal. Yung mga pangyayari na kakausapin at kwekwentuhan ka niya ng mga bagay bagay na nangyari sa buong maghapon niya. Ultimo kung sino ang naka banga niya sa kanto, kung sino ang nakita niya sa may tabing kalye, kung saan siya kumaen at ano ano ang mga nagawa niya sa buong magdamag. Pero syempre ang pinaka the best part yung sasabihin niya sayo yung mga bagay na pinakakatago tago niya sa buong buhay niya. Mga sikretong hindi lang basta pangrelasyon kung di pangkaibigan, pangkapatid at pang pinagkakatiwalaan na tao sa buhay niya.

Yung klase ng lalake na mamahalin ka hindi lang basta isang babaeng mahal niya, kung di isang barkada na lagi kang proprotektahan lalong lalo na sa mga lalakeng gustong panghimasukan ang pusong sakanya lang nakalaan. Sasawayin ka sa mga kilos mong di kanais nais, tas susuportahan ka sa mga bagay na matagal ng naparte sa buong buhay mo. Sa mga pangarap mong noon mo pang pinapangrap na ngayon, siya na mismo ang iyong katuwang para unti-unting tuparin ito. Lalakeng hindi lang basta karelasyon kung di isang kapatid, kaagapay at isang matalik na kaibigan kung saan nasa iisang katauhan lamang.

9th day. Kahapon ‘to. Masaya at busog ang maghapon namin kahapon. Bakit kamo? Kase nag-setup at nag-assist kami sa Recto Room para sa Seminar ni Xyza Bacani (one of the best photographers na kilala ko). Tinulungan namin sila for the dry run ng seminar para bukas ng hapon. After it, nagulat na lang kami ng pinakain kami nila ng pizza from Shakey’s. Nung una, tumanggi kami pero wala eh, gutom eh. After non, umakyat na kami para bumalik sa EDP-MIS Room pero pinadiretso kami sa EDP Bureau, Laking gulat namin dahil Birthday ni Sir Mario (isa sa mga head boss namin). Anak nang, naparaming pagkain mula sa Amber. Halos pumutok tyan ko sa sobrang dami ng pagkain eh hahaha maraming nangyari kahapon like puro kainan, puro repair at reformat ng computer, nagpapicture kay Sen. Trillanes at nakita sina MMDA Chairman Francis Tolentino at Sec. Kiko Pangilinan at marami pang iba. Basta masaya at makulit ang nangyari kahapon kaso nga lang, nagkasakit ako sa sobrang pagod at stress. Pero oks lang, masaya naman :)

Yung babaeng..

  • Hindi maarte - yung babaeng kwela at game sa lahat ng oras. Hindi iniintindi yung poise niya, hindi nanunuplada, yung simpleng hindi maarte.
  • Hindi mapili sa pagkain - yung babaeng hindi pihikan, kahit saan mo dalhin okay lang sa kanya as long na magkasama kayo at sabay na nakain.
  • Marunong mag effort - yung babaeng marunong mag-effort at gumawa ng surprises, gagawin ang lahat para mapasaya yung taong mahal nila.
  • Stick to one - yung babaeng loyal sa taong mahal nila kahit maraming lalakeng mas gwapo at mas matipuno kaysa sa taong karelasyon nila. Hindi nag-eentertain ng kahit na sinong lalake susubok na ligawan siya para lang mapatunayan ang loyalty nito.
  • Proud GF - yung babaeng ipapakilala sa mga kaibigan nito at maging sa parents ang mahal niya dahil gusto nitong malaman na lahat na sila, ng taong pinakamamahal niya.
  • May respeto sa sarili - yung babaeng hindi nagsusuot ng maiikli o hapit na damit para lang masabing hindi sila nahuhuli sa uso, hindi gumagawa ng paraan para mabastos siya ng iba dahil iniisip nito ang kapakanan ng sarili at maging ng mahal niya.
  • Marunong magtampo pero marunong din maglambing - yung babaeng nagtatampo pero marunong ding manuyo kapag ang karelasyon naman ang nagtatampo sa kanya. Hindi hinahayaang matapos ang gabi ng hindi sila ayos at bati.
1 down, 23 to go! 

1 down, 23 to go! 

Good evening sa lahat :) Maghapon akong nagpahinga dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko, tinatrangkaso tsaka nilalagnat ako. Hirap magkasakit, maraming bagay na nauudlot dahil sa mahinang katawan at lagnat. Alagaan niyo sarili niyo para hindi kayo magkasakit. Ingat tayo lahat!

Ang hirap talagang magkasakit.. hay

Good morning sa lahat! :) Nandito ako sa ojt ko ngayon heheh first time kong magbukas ng tumblr ko sa ibang pc! Sumingit ako sa computer kase wala mga boss namin ayos diba

“God doesn’t do anything because He -has- to do it. He forgives you because that’s what He wants to do. He loves you and draws you near because it pleases Him to do so. Do not be fooled, God is not reluctantly merciful.”

— Unka Glen

Malalaman mo kung mahal ka talaga niya kapag nanatili siya sa tabi mo sa kabila ng maraming pagsubok, bagyo, pagkakamali, pagkadarapa at tukso. Kapag nanatili siyang nakahawak sa kamay mo kahit sobrang hirap ng sitwasyon niyo. At kapag hindi sumagi sa isipan niya ni minsan na iwanan ka dahil alam niyang hindi niya kayang mawala ka.

I would rather be in your bed and spend the rest of my night with you. We will have a long and sweet talks, we will play pillow fight, romantic cuddle and feel each others breathe all night long. And when you're tired and sleepy, I will embrace you as tight as I could and serenade you through my lullabies. I will let you sleep on my arms. I will be your comforter just to keep you warm. I will stay awake and watch you sleep. I will touch your skin, kiss you slowly on your nose. I will stop your snoring through kissing your tender lips. And when morning comes, I will wake you up with sweet morning kisses. I will greet you goodmorning through non-stop I love you's and breakfast on bed.